CHAPTER 2
THE DEATH
*Nakarating
sila sa kanilang office ni Hanbin para sumakay sa helicopter ngunit nasundan
sila ng mga lalaki at nagaabang na sa elevator kung kayat dumaan sila sa
hagdanan ngunit nakita ng mga lalaki kaya pinagbabaril na sila, natamaan si
Hanbin sa paa at si Jeosok ay sa braso sa kadahilanang niyakap niya si Ji para
hindi matamaan. Nahihirapan umakyat si Hanbin dahil dalawang bala ang nabaril
sa kanyang paa*
Hanbin:
JEOSOK! Hindi ko na kaya! Kayo na lang ang umakyat at
sumakay ng helicopter
Jeosok:
hindi pwede! Sabay tayong sasakay
Ji:
*umiiyak* Kuya! Natatakot ako
Jeosok:
ano ka ba naman taba! Diba nagaaral ka maging sundalo? So
dapat matatag ka
Ji:
pero pano? Kung nakita ko ang magulang ko na pinapatay at
isang pang general
Hanbin:
hanggang ngayon ba naman nagaaway kayo, Ji tandaan mo ito mahal na mahal ka ni
Kuya *lumuha* wag mong hahayaan na
walang mapanagot sa pagkamatay naming hah ngayon na siguro matutuloy ang
pangarap mo na maging lawyer *sumuka ng
dugo* tandaan mo ito huliin mo sila sa tamang paraan ahh
Ji:*umiyak
ng malakas* kuya naman eh!
Hanbin: Jeosok ikaw na ang
bahala kay Ji nandun na ata ang helicopter, ipangako mo sakin Jeosok na
makakarating kayo sa pilipinas ng ligtas at wag mong kakalimutan ang pangako mo
kay itay.
Jeosok: opo kuya
*umiiyak na si Jeosok dahil di niya alam kung matutupad
ang hiling ng kanyang kuya dahil alam niyang mamamatay na siya dahil marami na
ang dugo na nawala sa kanya*
Hanbin: DALIAN NIYO NANDYAN
NA SILA!
Ji: WHAAAA KUYA MAHAL NA MAHAL KITA!
PAGBABAYARAN NILA ANG GINAWA NILA SA INYO NI DADDY!
Jeosok: tara na Ji
*nakarating sila sa taas at dumating na ang helicopter at
bigla silang may narinig na 3 putok ng baril at iyak na sila ng iyak at sumakay
na sila ng helicopter. Pinunit ni Jeosok ang kanyang pantalon para takpan ang
kanyang tama sa braso upang makaabot sila sa pilipinas*
Jeosok: Kuya ilang oras po
ba ang biyahe?
Kuya: kalahating oras lang po
Jeosok: salamat naman aabot
pa ako
Ji: ano pinagsasabi mo kuyang aabot ka
pa?
Jeosok: ahh wala taba
Ji: kuya ikaw na lang ang natitira
ipangako mo sakin na hindi mo ako iiwan, ipangako mo
Jeosok: oo taba
pinapangako ko sayo
*pero alam niyang di niya ito matutupad, nakarating sila
sa pilipinas at bumaba na sila sa helicopter at lumabas na sila, medyo
naninibago sila sa temperature kaya medyo balisa sila. Ngunit si Jeosok ay
unti-unti nang nawawalan ng hininga*
Jeosok: oi taba!
Ji: kuya naman hanggang ngayon taba pa rin
ang tawag mo sakin
Jeosok: may sasabihin ako
sayo taba
Ji: ano yun kuya?
Jeosok: patawad dahil sa
tingin ko di ko na matutupad ang kahilingan ni kuya dahil marami na ang dugong
nawala sakin mukhang hanggang dito na lang ako pero natupad naming ni kuya ang
pangako naming kay itay na hanggang kamatayan ipagtatanggol ka naming
Ji: KUYA NAMAN EH! Pangako mo sakin di mo
ako iiwanan diba?
Jeosok: Patawad taba di ko
na yun matutupad pero ipangako mo sakin na pagbabayarin mo ang mga taong gumawa
satin nito ahh
Ji: opo kuya pangako ko yan *umiiyak na naman*
Jeosok: Taba, tandaan mo
ito mahal na mahal ka ni kuya kahit inaasar kita mahal pa rin kita at
pinagmamalaki ka namin nila kuya, mommy at higit na si daddy na naging parte ka
ng pamilyang ito, mahal na mahal ka naming Kim Ji Hyun.
*pagkasambit ng pangalan ni Ji ay nalagutan na ng hininga
si Jeosok at nakadilat ang mata nito at niyakap siya ni Ji habang umiiyak*
Ji: kuya! Pangako ko sa inyo bibigyan ko
ng katarungan ang pagkakapatay nila sa inyo, pangako yan
*ipinikit ni Ji ang mga mata ni jeosok at nang siya ay tumayo
tila nanghihina siya dahil nasugatan ang kanang paa niya dahil sa pagtakbo nila
at dugo ito ng dugo. Naglakad papalayo si Ji Hyun ng di niya alam kung anong
lugar ang kanyang tinatahak at di niya alam kung bakit pinagtitinginan siya ng
mga tao. Init na init si Ji Hyun dahil naka-jacket ito ng makapal at tanghaling
tapat na at bigla siyang lumapit sa isang tindera at nagtanong kung anong lugar
ito subalit hindi siya maintindihan dahil hindi marunong magtagalog si Ji Hyun.
7 na ng gabi naglalakad pa rin siya at napadpad siya sa isang iskinita at may
mga lalaking nagiinuman*
{Filipino Language}
Ji Hyun: excuse me sir may
I know what is this place?
Tambay 1: uyyy chinita pre
oh inglishera pa
Tambay 2: oo nga pre teka
lang, hello miss beautiful
Ji: ow hello can you answer my question?
What is this place?
Tambay 3: puta pre nosebleed
Tambay 4: sexy niya ahh hmm
miss beautiful pwede mo bang hubarin yang jacket mo?
Ji: What?
Tambay 2: he said can you
put down the jacket
Tambay 1: parang mali ata
English mo pre
Ji: ow sure wait *hinubad ang jacket*
Tambay 3: wow pre ang puti
Tambay 4: tangina pre ito na
lang pulutan natin
Ji: guys what are you doing
*lumalapit ang mga tambay kay Ji Hyun na may pagnanasa at
bigla nilang hinahatak sa madilim na parte si Ji Hyun at sigaw na ng sigaw si
Ji Hyun upang humingi ng tulong*
Ji: {Korean Language} Tulong!
Tulungan niyo ko! Kuya gabayan niyo po ako! Kuya magpadala po kayo ng taong
tutulong sakin
Tambay 2: puta di pala
Americano ito
Tambay 1: ang ingay mo ahh
*sinaksak ni Tambay 4 sa tiyan si Ji Hyun para ito ay
manahimik na at si Ji Hyun ay unti-unti nang nawalan ng malay pero naaaninag pa
niya ang mga tambay at nakita niyang biglang may lalaking dumating na
nakasumbrero at tumingin pa sa kanya at sinapak ang isa sa mga tambay at habang
pumipikit ang kanyang mga mata nakikita niyang napatulog niya ang isa sa mga
tambay at nakita niyang may tattoo sa kanang kamay na isang ahas at tuluyan
nang nawalan ng malay si Ji Hyun*
Boy: ang babae dapat ginagalang hindi
sinasaktan!
Tambay 2: ilang beses ko na
yan naririnig hayyst
Boy: ilang beses mo na nga naririnig eh
pero di mo naman ginagawa
*Sinapak ng lalaki ang mga tambay at kinuha niya ang
jacket ni Ji at sinuot ito sa kanya at bigla niyang binuhat si Ji. Medyo
bumabalik na ang malay niya kaya naaninag niya ang mukha ng lalaki pero hindi
malinaw ang kanyang nakita ay isang poging lalaking nakasumbrero*

Comments
Post a Comment